Monday 24 February 2014

Muntik na :P

PEBRERO 24,2014
  Maaga akong pumasok ngayon dahil may flag ceremony kami.Tapos kinabahan ako ng sobra muntik na kasi mabasa ni Renier yung sinulat ko sa likod ng notebook ko,buti na lang naagaw namin nila Kim.Muntik na niya malaman na crush ko siya,wooohoo grabe tagal ko din kaya tinago yun noh ?? .Tapos na LSS ako sa kantang walang iba .Ayun nakipagkulitan din ako sa mga Grade 8.
  At dahil nga walang pasok bukas tinatamad pa kaming umuwi nila Kia at Lovely.Tumambay muna kami sa school,habang kumakain kami ng halo-halo biglang may tumapik sa likod ko nagulat naman daw ako si Renier pala yun.Nung pauwi na kami sa Pagrai kami dumaan,bigla namang may humila sa bag ko mula sa likod pagtingin ko si Renier nanaman eh anubey nikikilig ako .
   Tapos nung nasa tapat kami ng Yej napansin ko may puti sa mukha si Renier edi sinabi ko sa kanya .Tapos ayun nung pinunasan niya di naman niya natamaan kaya lumapit ako tapos tinuro ko sa kanya.Sweet daw sabi nila Lovely at Kia ,sus parang di ko naman alam nagseselos si Kia :P

No comments:

Post a Comment