Friday 29 November 2013

Nasan si Mam ?

NOBYEMBRE 29,2013
  Sa araw na ito ay wala si Gng.Mixto kaya ang kanyang asawang si G.Mixto ang aming guro.Nagkaroon kami ng pagsulat tungkol sa mga bahaging aming nagustuhan sa akda at pati na rin ang bisang pangkaisipan at bisang pandamdamin ay aming inilagay sa makulay na papel.

Thursday 28 November 2013

May ganon palang uri ng dula ?

NOBYEMBRE 28,2013
   Sa araw na ito aming tinalakay kung anong uri ng dula ang Sinag sa karimlan.Ang dula ay isang uri ng Dulang Pansuliranin,dahil ito ay tumatalakay sa mga kontrobersyal na isyu.At nagbigay ang aming guro ng ilang mga katanungan at dahil duon ay lubos naming naunaqaan ang akda.

Wednesday 27 November 2013

Anak Patawad !

NOBYEMBRE 27,2013
   Sa araw na ito nagbalik aral kami sa akda,at tinalakay din namin ang mga isyung panlipunan ang nakapaloob sa akda.Nagkaroon kami ng pangkatang gawain halos lahat ng grupo ay iniulat ang paghingi ng tawad ni Mang Luis kay Tony.

Tuesday 26 November 2013

Tauhan ??

NOBYEMBRE 26,2013
   Sa araw na ito ang bawat pangkat ay nag-ulat tungkol sa mga tauhan ng akda.At nagkaroon ulit kami ng pangkatan gamit pa rin ang mga tauhang naiatas sa bawat pangkat.At nagkaroon kami ng talakayan tungkol sa antas ng wika .Ito ay mahalaga dahil malalaman mo kung ano ang uri ng pananalita na iyong gagamitin sa mga taong iyong makakasalamuha.

Monday 25 November 2013

Akda ulit ?

NOBYEMBRE 25,2013
   Sa araw na ito aming inalam kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang bilanggo.At kung ano ang aming naiisip pag naririnig namin ang salitang sinag sa karimlan.Iniulat ng pangkat isa ang akdang Sinag sa Karimlan,kanilang ipinaliwanag mga pangyayari ngunit halatang hindi sila handa.At nagkaroon kami ng takdang aralin at ito ay kada pangkat.

Friday 22 November 2013

Mabait at mapagmahal na tatay !

NOBYEMBRE 22,2013
    Sa araw na ito aming ipinasa ang mga gawa naming slogan,at bumunot ang aming guro ng ilan sa mga slogan at ipinaliwanag ito ng mga nagmamay-ari.At amin ding tinalakay kung bakit ayaw ni Tata Selo na sabihin ni Saling ang tunay na nangyari sa kanya.At nagkaroon kami ng pagsusulit.

Thursday 21 November 2013

Kriminal o biktima ?? ang gulo !

NOBYEMBRE 21,2013
   Sa araw na ito aming tinalakay ang teoryang nakapaloob sa akdang Tata Selo ,ang teorya ng akda ay teoryang dekonstruksyon.Binigyan kami ng takdang aralin , ito ay ang gumawa ng slogan na nababatay sa tema ng akda.

Wednesday 20 November 2013

Grabe naman !

NOBYEMBRE 20,2013
   Sa araw na ito matapos naming magbalik aral sa akdang tata selo aming inalam kung ano nga ba ang kahulugan ng huling linyang binanggit ni tata selo sa akda.Nagkaroon kami ng pangkatang gawain, at pagkatapos ay aming initindi kung ano nga ba ang tunay na dahilan ng pagpatay ni tata selo kay Kabesong Tano.Napag-alaman namin na kaya pala ito pinatay ay dahil ginahasa niya ang kaisa-isnag anak ni Tata Selo na si Saling.Kaawa-awa namang talaga,pati sa huling bahagi ng akda ay ganon din ang ginawa sa kanya nng alkalde.

Tuesday 19 November 2013

Kawawa naman :(

NOBYEMBRE 19,2013
  Sa araw na ito aking nalaman ang ibat-ibang katawagan sa lolo at lola merong sa tagalog,sa bisaya,sa Bicolano at marami pang iba.Ang pangkat apat ang nag-ulat ng bagong akdang aming tinalakay,ito ay ang Tata Selo.






Monday 18 November 2013

Karapatan?Napakaswerte :)

NOBYEMBRE 18,2013
  Sa araw na ito nag-ulat ang bawat pangkat at tinalakay namin ang mga karapatang pambata.Tinalakay namin kung ano ang mga karapatang naipagkait sa batang si Adong.Halos lahat ng karapatan ay ipinagkait kay Adong.Nagkaroon kami ng pagsulat tungkol sa mga karapatng lubos o sobra sobra naming tinatamasa.

Friday 15 November 2013

Namatay nga ba O hindi ??

NOBYEMBRE 15,2013
   Sa araw na ito aming inintindi kung ano nga ba ang nangyari kay Adong sa hiling bahagi ng akda.Si Adong ay namatay talaga hindi hinimatay,base na rin sa mga pahiwatig.Tinalakay din namin ang teoryang nakapaloob sa akda.At nagkaroon kami ng pangkatang gawain at bilang takdang aralin kailangan namin ng kopya ng mga karapatang pambata.

Thursday 14 November 2013

Pangkatan na Maingay

NOBYEMBRE 14,2013

  Sa araa na ito aming tinalakay ang teoryang nakapaloob sa akda.Ang akdang mabangis na lungsod ay may teoryang Naturalismo.Nagkaroon din kami ng pangkatang gawain tungkol sa akda.Binigyan din kami ng takdang aralin ng aming guro , aalamin namin kung namatay nga ba o hindi si Adong.

Wednesday 13 November 2013

Sakit sa Bangs :3

NOBYEMBRE 13,2013

  Sa araw na ito nagkaroon kami ng pagsusulit patungkol sa mga malalalim na parirala sa akda.Inisa isa naming talakayin ang mga pangyayari sa akda gamit ang mga parirala.Napag-alaman din namin na mahalaga pala ang piso noon dahil malaki ang halaga nito noon.Binigyan din kami ng takdang aralin tungkol sa teoryang nakapaloob sa akda.

Tuesday 12 November 2013

hahaha Tawa much !

NOBYEMBRE 12,2013

  Sa araw na ito tiananong kami ng aming guro kung sinu-sino na ang nakapunta sa Maynila partikular na sa Quiapo.Pinatawag ang aming guro pero iniwanan niya kami ng gawain.Ang gawain ay tungkol sa mga lugar na makikita sa Maynila.At iniulat din ng aming kamag-aral ang akdang Mabangis na lungsod mula sa panulat ni Efren Abueg :


Monday 11 November 2013

HAba Naman !

NOBYEMBRE 11,2013

  Sa araw na ito aming iniwasto ang lathalaing aming ginawa nung nakaraang linggo.Naubos ang aming oras sa pagwawasto kaya ibinigay na lamng ng aming guro na takdang aralin ang pagbabasa ng akdang Mabangis na lungsod.
.

Thursday 7 November 2013

NOBYEMBRE 7,2013
 Sa araw na ito aming tinalakay ang suliranin ng mag-asawa sa akda na sila Celing at Kulas.Tinalakay din namin kung paano nga ba makakaiwas sa pagsusugal.Pinagawa kami ng aming guro ng isang lathalain na tumatalakay sa mga paraan kung paano makakaiwas sa pagsusugal.Nilagay namin ang aming gawa sa isang yellow paper.

Wednesday 6 November 2013

NOBYEMBRE 6,2013
  Sa araw naito nagkaroon kami ng maikling pagsusulit tungkol sa dulang sa Pula sa Puti.Amin ding tinalakay ang teoryang nakapaloob sa dula;ang teoryang nakapaloob sa dula ay teoryang eksistensyalismo.Nagkaroon din kami nga pangkatang gawain,ang aming grupo ay naatasang pumili ng mga kaisipan na matututunan sa dula.

Monday 4 November 2013

NOBYEMBRE 5,2013
  Sa araw na ito nagkaroon kami ng maikling pagsusulit tungkol sa mga matatalinhagang salita na nakapaloob sa dulang SA PULA SA PUTI.Pagkatapos ng aming maikling pagsusulit ay nagkaroon kami ng maikling pagbabalik aral tungkol sa mga tauhan ng nasabing dula.Nagkaroon din kami ng pangkatang gawain na tumatalakay sa pagkatao ng apat na tauhan ng dula.Nagbigay ng reaksyon ang bawat pangkat patungkol sa pag-uulat ng pangkat.
NOBYEMBRE 4,2013
  Sa araw na ito aming tinalakay ang dulang SA PULA SA PUTI na isinulat ni FRANCISCO RODRIGO.Ang aming pangkat ang naatasang mag ulat ng dula.Ako na ang nagpaliwanag sa aming pag-uulat dahil mukang hindi pa nabasa ng aking mga kagrupo.Binigyan kami ng apat na palaklpak ng aming guro.



OKTUBRE 25,2013
  Sa araw na ito aming sinagutan ang hindi natapos na gawain tungkol a paghahambing sa mga tauhan ng akdang BANAAG AT SIKAT at ang NOLI ME TANGERE.Amin ding inisa isa ang mga pagkakapareho ng dalawang nasabing akda.