Wednesday 12 March 2014

SURING BASA

SURING BASA 
11 Ways To Forget Your Ex-boyfriend
  "Put away all remnants that reminds you of your ex".Isa lamang ito sa labing isang paraan para makalimutan mo ang iyong dating kasintahan.
   Si Sena,isang dalagang hindi makamove-on sa kanyang ex-boyfriend sa si Allen.Isang araw ay may nagpadala sa kanya ng sulat na nagsasabing tutulungan siya nitong makapagmove-on.At dahil nga sa kagustuhan niyang makamove-on ay sinunod niya ang mga hakbang na sinasabi sa sulat na matatanggap niya.Nang dahil sa pagsunod niya sa bawat hakbang ay nakilala niya si Trey,at isa rin io sa mga dahilan ng mabilis niyang pagmomove-on.Bago matapos ang kwento ay nalaman ni Sena na si Allen ang nagpapadala at tumutulong sa kanya na makapagmove-on sa kanyang ex-boyfreind na ito rin mismo.At sa hulihan ay naging magkasintahan sina Sena at Trey.
  Ang 11 Ways To Forget Your Ex-boyfriend ay isinulat ni Ate Denny,para sa mga taong hindi makapagmove-on sa kanilang ex.Isinulat din niya ito para maimulat sila sa katotohanang at para bigyan sila ng inspirasyon upang makapagmove-on at di na masaktan sa nakaraan.

REBYUNG PAMPELIKULA

REBYUNG PAMPELIKULA
Wild Child

   Ang Wild Child ay isinulat ni Lucy Dahl at sa direksyon ni Nick Moore.Pinapakita nito na kahit sino man ay maaaring magbago.Sa loob ng pelikula ipinakita na nagbago ang bidang si Poppy Moore(Emma Roberts) at namulat na rin siya sa realidad ng buhay.Hindi lang materyal na bagay ang makapagpapasaya sa iyo,kundi ang mga tunay na kaibigan at mga mahal sa buhay.Ipinapakita rin na hindi hadlang ang pagkakaiba ng lahi upang magkaroon ng mga tunay na kaibigan.
   Magaling ang pagganap ng mga tauhan lalong lao na si Emma Roberts na talagang bumagay sa kanya ang pagiging Bratinella.Talaga namang makakarelate ka dahil makatotohanan ang kanilang  pag-arte.Makakakuha tayo ng aral sa pelikula,na kahit iba-iba man tayo ng lahi at personalidad hindi ito hadlang sa pagbuo ng pagkakaibigan.
   Ang pelikula ay para sa mga taong hindi kayang magbago para sa ikabubuti niya.Ginaa ito upang imulat sila na sinuman sa mundo ay may kakayahang baguhin ang kanyang sarili sa positibong paraan.