Friday 28 February 2014

Huhu Nakakaiyak :(

PEBRERO 28,2014
  Nagakaroon kami ng Orphanage visiting,grabe nakakaawa ung mga sinapit nila.May nakaclose ako dun na mga bata sina Jade at Ruth.Si Ruth grabe takot sa mga lalaki si Brite nga lang nilalapitan niya na lalaki eh.Tapos nung nagkwento sila sakin kung bakit sila nando aniyak talaga ako.Nung pauwi na kami umiyak ako kasi kahit sandali ko lang sila nakasama mamimiss ko talaga sila.
  Sabi pa nga sakin ni Ruth "ate balik kayo ah'.KAya nagplano kami ni Shenna na babalik kami don.Tapos nung pagabalik namin sa school inantay ko sila Kia matapos magcanteener.PAgkatapos nagpunta kami sa Cherry namili lang kasama gala.Napagkwentuhan din namin si Renier tinanong nila ako kung pano ko naging gusto si Renier tapos ayun kinuwento ko na sa kanila.

Thursday 27 February 2014

Petiks ang life :))

PEBRERO 27,2014
   At dahil walang pasok ngayon,petiks ang life ko.Wala akong magawa kaya ayun todo basa ng Ebook,sabay padyak padyak ng paa kapag kinikilig sa scene.Natapos k na rin mabasa yung "A Kiss Of A Vampire " grabe ng ganda ng story kilig much din.
  Pero siyempre tumambay ako sa court para makita ang idol ko sa basketball na si Papuy.Wala pa ring kupas ang galing pa rin niya wahihihi

Wednesday 26 February 2014

Sinong absent ?? Via special ka

PEBRERO 26,2014
  Sinong absent ?? aba malay ko.. ahahaha dejoke absent si Renier.Peaceful nga yung araw namin nila Kim eh kasi walang nangbabara smin wahehehe wala ding nang-aaway samin.Pero kahit absent siya ilang bese na nabanggit yung pangalan niya siguro ilang beses na nangudngod yun.
  Nangolekta din kami ng abuloy sumama samin si Kia tapos sila Joy at Kim nagrecord.Pagkatapos namin mangolekta pinuntahan na namin sila Kim at Joy. Sabay sabay na kami umuwi habang naglalakad kami nag-aasaran kami tapos bigla na lang napapadalas yung pagsasabi namin ng "kasi nga special ka "

Tuesday 25 February 2014

LSS pa rin ??

PEBRERO 25,2014
  Walang pasok kaya au usual nagbasa lang ako ng ebook at gumawa ng letter ko para sa friend ko na ipapasa bukas.At LSS pa rin ako sa walang iba nabadtrip nga kapatid ko eh paulit ulit daw yung kinakanta ko.Hahaha muntik pa kami mag-away wahahaha di ko na lang pinatulan baka matengga pa ako ni madear.Sabi din ng mga kaibigan ko nagbago na daw talaga ako di na daw ako katulad ng dati na gala at napapaaway,wala eh ganon talaga pagmabait hahahah :P

Monday 24 February 2014

Muntik na :P

PEBRERO 24,2014
  Maaga akong pumasok ngayon dahil may flag ceremony kami.Tapos kinabahan ako ng sobra muntik na kasi mabasa ni Renier yung sinulat ko sa likod ng notebook ko,buti na lang naagaw namin nila Kim.Muntik na niya malaman na crush ko siya,wooohoo grabe tagal ko din kaya tinago yun noh ?? .Tapos na LSS ako sa kantang walang iba .Ayun nakipagkulitan din ako sa mga Grade 8.
  At dahil nga walang pasok bukas tinatamad pa kaming umuwi nila Kia at Lovely.Tumambay muna kami sa school,habang kumakain kami ng halo-halo biglang may tumapik sa likod ko nagulat naman daw ako si Renier pala yun.Nung pauwi na kami sa Pagrai kami dumaan,bigla namang may humila sa bag ko mula sa likod pagtingin ko si Renier nanaman eh anubey nikikilig ako .
   Tapos nung nasa tapat kami ng Yej napansin ko may puti sa mukha si Renier edi sinabi ko sa kanya .Tapos ayun nung pinunasan niya di naman niya natamaan kaya lumapit ako tapos tinuro ko sa kanya.Sweet daw sabi nila Lovely at Kia ,sus parang di ko naman alam nagseselos si Kia :P

Sunday 23 February 2014

Boring nanaman -_-

PEBRERO 23,2014
  Haist di ako nakapagsimba dahil nakatulog ako at gabi na ako nakagising.Tapos ayun nagbasa-basa lang ako ng ebook.Tumambay din ako sa tambayan namin buti nandon yung mga kababata ko.ayun kwentuhan ang tema kung anu-ano yung mga nangyayari samin sa loob ng dalawang linggo na di kami nakatambay.Haist namiss ko din sila ah.

Saturday 22 February 2014

Iba yung Feeling -_-

PEBRERO 22,2014
  Hmmmm.. wala naman ako masyadong ginawa ngayon.Natulog lang ako at kumain,tapos lumabas din ako para tumambay.Kaso iba na talaga yung feeling kapag nasa school ka,doon kahit walang ginagawa kapag walang teacher hindi nakakaboring.Siyempre bukod sa andiyan yung mga friends mo na kadaldalan mo andiyan din si crush kahit titigan ko lang siya ng palihim gamit salamin di na ako mabobored eh :)

Friday 21 February 2014

Sa salamin dinaan :)

PEBRERO 21,2014
  Wala nang nagdemo kaya nakakapanibago.Tapos siyempre ako tong di matitigan ng diretso si crush,sa salamin ko na lang dinaan kunyareng nagsasalamin pero ang totoo siya ang tinititigan ko.Pero nagtataka ako kay crush kasi pagdating sakin lagi kaming nagbabangayan tapos sa iba ko naman na kaklase ang bait bait niya.
  Nagbantay din kami sa mga grade 8,grabe ang babait ng section talisay.peo kabaliktaran nila yung sa kabilang room,sobrang wild grabe.Nung sinaway ko yung sa kabilang room hala binara ba naman ako.

Thursday 20 February 2014

Demo At Chocolate

PEBRERO 20,2014
  May nagdemo ulit samin tapos bawat tama yung sagot mo bibigyan ka ng chocolate.Tatlo yung nakuha ko na chocolate kaso wala din akong natikman yung dalawa hiningi ni Renier at yung isa napunta kay Brite.Tapos naglaro kami ni Mary Joy na Pen Pen De Sara Pen pero kailangan mong mag-ingat kung ayaw mo matusok ng ballpen.Tapos susubukan dapat namin kay Renier kasi pagtitripan namin siya kaso nga lang bigla niya sinarado yung kamay niya sabi niya kailangan ko daw buksan.Edi ako naman si sunodsunuran binuksan ko nga kaso ang hirap buksan ng kamay niya eh.
   Nakita nanaman kami ng mga kaklase namin sa ganung posisyon hala ang mga mata nila grabe.Yung mga titig nila makahulugan nanaman,haist mga utak nanaman nila oh.

Wednesday 19 February 2014

Demo ulit ?? Sweet daw ??

PEBRERO 19,2014
  Ayun wala nanaman kaming Filipino,may nagdemo nanaman kasi eh.Tapos habang nagdedemo kami nakatingin sain ni Renier yung mga kaklase namin,porket ba magkatabi kami ?? Tapos sila Alfred yung mga tingin makahulugan eh.Tapos nung nakayuko si Renier nagpapabunot ng kulot na buhok sakin.tiningnan ako ni Uy ng masama.Sabi ni Shaira nagseselos daw si Uy saming dalawa niRenier.
  Nung uwian tinaning ko si Alfred kung bakit ganon sila makatingin sabi niya "Ang sweet niyo kasi Janeh eh .. tapos pansin namin may chemistry kayong dalawa ".Oh diba mga pag-iisip talaga nila eh .

Tuesday 18 February 2014

Sinong umiyak ?? Kaway mga luha

PEBRERO 18,2014
  Ano bang meron ngayon ?? Sinong umiyak ?? Aist ako nga pala ang umiyak .Bakit ako umiyak ?? Kasi naman eh ang sakit ni Renier magsalita grabe huh first time ako nasabihan ng ganon .Pero okay na kami bati na kami nahurt lang naman ako sa sinabi niya eh.Pero di ko inaasahan na magsosorry siya akala ko kasi siya yung tipo ng tao na di marunong magsorry eh.
 Tapos simula ng umiyak ako medyo tahimik na ako.Nagsasalita na lang ako kapag may tinatanong sakin.Nagkaroon din pala kami ng intervention ngayon sa grade 8 kasama ko si Shaira at Shenna.Muntik pa nga mabasa ni Shenna yung nakasulat sa diary ko eh.

Monday 17 February 2014

NUMB ??

PEBRERO 17,2014
   Nagkaroon kami ng activity sa english,ilalagay mo yung impression mo sa papel na nakadikit sa likod ng kaklase mo.Nakakatawa nga yung ibang nakalagay sakin eh,naglagay din ako sa papel ng crush ko ang nilagay ko sa papel niya ay NUMB.Numb kasi naman hindi niya pa feel na crush siya ng isa kong friend eh,pero feeling ko din nagmamanhid manhidan lang siya eh.Kasi imposible naman na hindi niya pa mahalata eh halatang halata na nga eh.
   May nagdemo rin samin yung mga applicants na teacher ang saya nga eh kasi tawa kami ng tawa dun sa mga nagdedemo eh.Tapos yung isang teacher may pinagawa samin na activity ang nilagay ko sa color red ay si crush ko .. kasi ang iniisip ko kapag red madali uminit ang ulo.Pagkatapos namin sagutan yung activity tiningnan ko yung mga meaning nagulat ako sa meaning ng red .Ano yung meaning ?? kalerkii grabe Mahal ko daw yung nilagay ko dun . Wow huh

Sunday 16 February 2014

Feeling Blessed :)

PEBRERO 16,2014
  Sa araw na ito ay kasama kong nagsimba si mama.Iniwan kami ng kapatid ko kasi kasama niya ang mga kaibigan niya.Nung pagkatapos naming magsimba ay nagpunta kami sa Cherry para bumili ng mga kailangan sa bahay.At dahil isip bata ako nagpabili ako kay mama ng MOO na malaki para madami :) .Kung anu-ano pa ang binili namin kaya taghirap kami magbitbit pauwi.

Saturday 15 February 2014

Ang sakit sa paa.

PEBRERO 15,2014
  Sa araw na ito ay maaga na akong nakauwi dahil sa JS.Sobrang sakit ng paa ko dahil na rin sa hindi ako sanay magsuot ng heels,madami din akong nakasayaw.Kaya pag-uwi ko ay nakatulog ako agad,pagkagising ko naman ay kumain lang ako at nagpunta sa bahay ng kaibigan ko at kinuwento ko sa kanya ang mga nangyari sa aming JS.Mas kinilig pa siya kaysa akin ganyan naman siya lagi eh as if siya yung naka experience :)

Friday 14 February 2014

JS ?? Kilig Much :)

PEBRERO 14,2014
  Sa araw na ito ay ang aming JS Prom.Masaya naman kahit nakakapagod,ang dami ko ngang nakasayaw eh.Karamihan 4th year mga di ko kilala.Memorable ang First dance ko dahil si Veel ang naging first dance ko ang tatay tatayan ko.Pero sa lahat ng nakasayaw ko isa lang ang pinaka memorable siyempre yun ay nung nakasayaw ko siya.
  Marami din ang bumati sakin ng Happy Valentines Day.