Wednesday 12 March 2014

SURING BASA

SURING BASA 
11 Ways To Forget Your Ex-boyfriend
  "Put away all remnants that reminds you of your ex".Isa lamang ito sa labing isang paraan para makalimutan mo ang iyong dating kasintahan.
   Si Sena,isang dalagang hindi makamove-on sa kanyang ex-boyfriend sa si Allen.Isang araw ay may nagpadala sa kanya ng sulat na nagsasabing tutulungan siya nitong makapagmove-on.At dahil nga sa kagustuhan niyang makamove-on ay sinunod niya ang mga hakbang na sinasabi sa sulat na matatanggap niya.Nang dahil sa pagsunod niya sa bawat hakbang ay nakilala niya si Trey,at isa rin io sa mga dahilan ng mabilis niyang pagmomove-on.Bago matapos ang kwento ay nalaman ni Sena na si Allen ang nagpapadala at tumutulong sa kanya na makapagmove-on sa kanyang ex-boyfreind na ito rin mismo.At sa hulihan ay naging magkasintahan sina Sena at Trey.
  Ang 11 Ways To Forget Your Ex-boyfriend ay isinulat ni Ate Denny,para sa mga taong hindi makapagmove-on sa kanilang ex.Isinulat din niya ito para maimulat sila sa katotohanang at para bigyan sila ng inspirasyon upang makapagmove-on at di na masaktan sa nakaraan.

REBYUNG PAMPELIKULA

REBYUNG PAMPELIKULA
Wild Child

   Ang Wild Child ay isinulat ni Lucy Dahl at sa direksyon ni Nick Moore.Pinapakita nito na kahit sino man ay maaaring magbago.Sa loob ng pelikula ipinakita na nagbago ang bidang si Poppy Moore(Emma Roberts) at namulat na rin siya sa realidad ng buhay.Hindi lang materyal na bagay ang makapagpapasaya sa iyo,kundi ang mga tunay na kaibigan at mga mahal sa buhay.Ipinapakita rin na hindi hadlang ang pagkakaiba ng lahi upang magkaroon ng mga tunay na kaibigan.
   Magaling ang pagganap ng mga tauhan lalong lao na si Emma Roberts na talagang bumagay sa kanya ang pagiging Bratinella.Talaga namang makakarelate ka dahil makatotohanan ang kanilang  pag-arte.Makakakuha tayo ng aral sa pelikula,na kahit iba-iba man tayo ng lahi at personalidad hindi ito hadlang sa pagbuo ng pagkakaibigan.
   Ang pelikula ay para sa mga taong hindi kayang magbago para sa ikabubuti niya.Ginaa ito upang imulat sila na sinuman sa mundo ay may kakayahang baguhin ang kanyang sarili sa positibong paraan.

Friday 28 February 2014

Huhu Nakakaiyak :(

PEBRERO 28,2014
  Nagakaroon kami ng Orphanage visiting,grabe nakakaawa ung mga sinapit nila.May nakaclose ako dun na mga bata sina Jade at Ruth.Si Ruth grabe takot sa mga lalaki si Brite nga lang nilalapitan niya na lalaki eh.Tapos nung nagkwento sila sakin kung bakit sila nando aniyak talaga ako.Nung pauwi na kami umiyak ako kasi kahit sandali ko lang sila nakasama mamimiss ko talaga sila.
  Sabi pa nga sakin ni Ruth "ate balik kayo ah'.KAya nagplano kami ni Shenna na babalik kami don.Tapos nung pagabalik namin sa school inantay ko sila Kia matapos magcanteener.PAgkatapos nagpunta kami sa Cherry namili lang kasama gala.Napagkwentuhan din namin si Renier tinanong nila ako kung pano ko naging gusto si Renier tapos ayun kinuwento ko na sa kanila.

Thursday 27 February 2014

Petiks ang life :))

PEBRERO 27,2014
   At dahil walang pasok ngayon,petiks ang life ko.Wala akong magawa kaya ayun todo basa ng Ebook,sabay padyak padyak ng paa kapag kinikilig sa scene.Natapos k na rin mabasa yung "A Kiss Of A Vampire " grabe ng ganda ng story kilig much din.
  Pero siyempre tumambay ako sa court para makita ang idol ko sa basketball na si Papuy.Wala pa ring kupas ang galing pa rin niya wahihihi

Wednesday 26 February 2014

Sinong absent ?? Via special ka

PEBRERO 26,2014
  Sinong absent ?? aba malay ko.. ahahaha dejoke absent si Renier.Peaceful nga yung araw namin nila Kim eh kasi walang nangbabara smin wahehehe wala ding nang-aaway samin.Pero kahit absent siya ilang bese na nabanggit yung pangalan niya siguro ilang beses na nangudngod yun.
  Nangolekta din kami ng abuloy sumama samin si Kia tapos sila Joy at Kim nagrecord.Pagkatapos namin mangolekta pinuntahan na namin sila Kim at Joy. Sabay sabay na kami umuwi habang naglalakad kami nag-aasaran kami tapos bigla na lang napapadalas yung pagsasabi namin ng "kasi nga special ka "

Tuesday 25 February 2014

LSS pa rin ??

PEBRERO 25,2014
  Walang pasok kaya au usual nagbasa lang ako ng ebook at gumawa ng letter ko para sa friend ko na ipapasa bukas.At LSS pa rin ako sa walang iba nabadtrip nga kapatid ko eh paulit ulit daw yung kinakanta ko.Hahaha muntik pa kami mag-away wahahaha di ko na lang pinatulan baka matengga pa ako ni madear.Sabi din ng mga kaibigan ko nagbago na daw talaga ako di na daw ako katulad ng dati na gala at napapaaway,wala eh ganon talaga pagmabait hahahah :P

Monday 24 February 2014

Muntik na :P

PEBRERO 24,2014
  Maaga akong pumasok ngayon dahil may flag ceremony kami.Tapos kinabahan ako ng sobra muntik na kasi mabasa ni Renier yung sinulat ko sa likod ng notebook ko,buti na lang naagaw namin nila Kim.Muntik na niya malaman na crush ko siya,wooohoo grabe tagal ko din kaya tinago yun noh ?? .Tapos na LSS ako sa kantang walang iba .Ayun nakipagkulitan din ako sa mga Grade 8.
  At dahil nga walang pasok bukas tinatamad pa kaming umuwi nila Kia at Lovely.Tumambay muna kami sa school,habang kumakain kami ng halo-halo biglang may tumapik sa likod ko nagulat naman daw ako si Renier pala yun.Nung pauwi na kami sa Pagrai kami dumaan,bigla namang may humila sa bag ko mula sa likod pagtingin ko si Renier nanaman eh anubey nikikilig ako .
   Tapos nung nasa tapat kami ng Yej napansin ko may puti sa mukha si Renier edi sinabi ko sa kanya .Tapos ayun nung pinunasan niya di naman niya natamaan kaya lumapit ako tapos tinuro ko sa kanya.Sweet daw sabi nila Lovely at Kia ,sus parang di ko naman alam nagseselos si Kia :P