Tuesday 31 December 2013

Pagluluto ? di ako marunong .

DISYEMBRE 31,2013
   Sa araw na ito ay tumulong ako kay mama sa pagluluto ng panghanda namin,kahit pa ng adi ako marunong.Pagkatapos ay nagpunta rin ako sa bahay ng aking mga kababata.. siyempre makikikain:) .Nung malapit na mag alas-12 ay pinauwi na kami ni papa dahil malapit na ang putukan.

Monday 30 December 2013

Ang ganda :0

DISYEMBRE 30,2013
   Sa araw na ito ay nagpunta kami sa River Bank nila mama para manood ng fireworks display. Marami akong nakita na mga kakilala ko doon,nakita ko doon sila Shenna.Ininggit pa nga ako ni Ate Nalyn na makikipagkita daw sila kay Jhameson yung katext ko.Nainggit ako kasi gusto ko rin siyang makita sa personal.Sinabi ko kay mama na gusto kong magpaiwan kaso hindi siya pumayag kaya pagjatapos ng fireworks display ay umuwi na kami.Ayos lang na di pumayag si mama di rin naman daw sila nagkita eh.

Sunday 29 December 2013

Nakakalungkot :(

DISYEMBRE 29,2013
   Sa araw na ito ay nalaman ko na naaksidente daw ang aming kababata.Labis akong nalungkot,nagpunta ako agad sa tambayan namin.Kinuwento ko sa iba pa naming kababata, katulad ko ay nagulat din sila.
   Grabe bakit naman  sa kanya pa nangyari yun ? halos lahat kami tulala ngayong araw dahil sa nangyari. 

Saturday 28 December 2013

Piktyur pa

DISYEMBRE 28,2013
   Sa araw na ito ay wala akong magawa kaya naman nagpunta na lang ako sa bahay ng kaibigan ko.At don nagpiktyuran kami nakakatawa pa nga yung mga shots namin eh>pilit naming ginagaya yung mga dati naming picture pero di na namin magaya.Umuwi ako ng bahay na masakit ang tiyan kakatawa.Tapos ayon wala na akong nagawa. 

Friday 27 December 2013

Gala pa :D

DISYEMBRE 27,2013
   Sa araw na ito ay gumala ako kasama ang aking mga pinsan,hindi namin kasama ang kapatid ko dahil ayaw niya daw.Sumakay sila sa mga rides doon pero ako hindi sumakay kasi mahihilohin ako,kaya habang nakasakay sila eh naglibot-libot muna ako.Bumili din ako ng bagong sapatos,natawa pa nga ako pagkauwi ko eh.Dahil ang bungad agad ng tatay ko nang malaman niya na bumili nanaman ako ng sapatos ay ganito " Bumili ka nanaman ng sapatos samantalng sampung araw pa lang yung isa mong sapatos".Natawa na lang ako dahil wala rin naman siyang nagawa.

Thursday 26 December 2013

Ang Saya ko :D

DISYEMBRE 26,2013
   Sa araw na ito ay nagpunta kami nila mama sa bahay ng tita ko sa Cubao.Sobrang namiss ko ang mga pinsan ko dito.Pagkarating na pagkarating namin ay agad naman akong hinila ni Ate Angelica sa kwarto niya,doon kami nagkwentuhan ng mga na-experience namin.Tawa ako ng tawa pagkasama ko siya nilibre niya pa nga ako ng cupnoodles eh.Kaso nakakalungkot lang kasi kailangan naming umuwi.

Wednesday 25 December 2013

Pasko na sinta ko :P

DISYEMBRE 25,2013
    Sa araw na ito ay nagbukas ako ng aking facebook account ng alas-2 ng madaling araw.Umuwi din naman ako para matulog kahit saglit lang.Pagkagising ko ay naligo ako at nagbihis,wala akong balak na mamasko ngayon.Sinamahan ko lang ang aking kapatid na pumunta sa kanyang mga ninong at ninang.Nagulat ako ng bigyan ako ng regalo ng aking mga kababata.Nung kinahapunan ay gumala ako kasama ang aking mga kapamilya.  
 

Tuesday 24 December 2013

Damang dama ko .

DISYEMBRE 24,2013
   Sa araw na ito ay sobrang saya.Nangarolling kami ng mga kaibigan ko,kami nila Shenna,Ate Jean at Ate Nalyn.Nagpunta din kami sa bahay nila Reycelle,binigyan kami ng mama niya ng pamasko.Pagkatapos ay pinaghati-hatian na namin ang aming kinita tig250 kaming apat.Napag-usapan namin na magsisimba kami uuwi lang muna kami para magbihis.Nagkita kita kami sa outpost sa amin.Nagsimba kami at may nanghingi pa nga ng cellphone number naming tatlo,pero di namin ibinigay.Bago mag alas-12 nakauwi na kami sa aming mga bahay at kumain ng Noche Buena kasama ang aming mga kapamilya.  

Monday 23 December 2013

Bakit ang boring ??

DISYEMBRE 23,2013
  Sa araw na ito ay wala akong magawa.Sobrang nakakaboring wala pa akong katext.Pano ba naman kasi yung taong madalas kong katext walang load.Pumunta ako sa bahay ng kaibigan  ko wala naman siya kaya umuwi na lang ako at napagdesisyonan ko na matulog na lang.Pagkagising ko ay wala pa ring text mula sa kanya.Haist >_< nakakabagot talaga tong araw na ito.

Sunday 22 December 2013

Simba ulit

DISYEMBRE 22,2013
  Sa araw na ito ay maaga ulit akong nagising dahil magsisimbang gabi  kami nila Angelica kasama pa rin si Rj.Habng nagsisimba kami ay natatawa ako sa dalawa dahil habang gumagawa ng paraan si Rj para magkapansinan sila ni Angelica .Si Angelica naman todo sa iwas akala mo gagahasain ni Rj eh HAHAHAHA.Tapos nung pauwi na kami sobrang natatawa na talaga ako kay Angelica dahil nagseselos na siya sa closeness naming dalawa ni Rj.

Saturday 21 December 2013

Simbang gabi ?? Awkward

DISYEMBRE 21,2013
   Sa araw na ito ay nagising ako ng maaga dahil magsisimbang gabi ako.Nagulat ako ng biglang kumatok si Honey sa bahay namin.Pag-akyat ko nagulat ako ng makita ko ang pinsan ni Honey at Nene na si Rj.Tinanong ko sila kung kasama siya at sabi nila ay oo daw.Nung papunta na kami sa simbahan ay may awkward silence sa pagitan naming dalawa ni Rj.Sa pagkakaalam ko ay crush siya ng kaibigan kong si Angelica.Pero pag-uwi namin ay naging close na din naman kami.Hiningi niya pa nga ang aking cellphone number para daw text text na lang.

Friday 20 December 2013

Nakakaboring -_-

DISYEMBRE 20,2013
  Sa araw na ito ay wala akong masyadong ginawa nagtext lang kami ng aking mga kaklase.Tapos nakatext ko din si Jhameson mabait siya at higit sa lahat concern.Pumunta din ako sa bahay ng aking kaibigan at doon ay nagkwentuhan lang kami ng mga nakakakilig na bagay tungkol sa kanyang katext.

Thursday 19 December 2013

Nakakapagod pero masaya :D

DISYEMBRE 19,2013
  Sa araw na ito ay ang aming Christmas party , masaya siya kesa sa aking inaasahan nakakatawa ang mga palaro lalo na yung larong Palambutin mo ang talong ko. Ang dami nga ng nakain ko eh pano ba naman kuha ng kuha sila Shenna.Pagkatapos ng party ay napag-usapan namin ng aking mga kamag-aral na pupunta kami sa Sta.Lucia.Nang makarating na kami ay tawa kami ng tawa sa mga kamag-aral kong bakla dahil ang lalakas ng tama nila.Nahingi pa nga namin yung cellphone number ni Klever eh.Crush pa nga siya ni Abalos eh.
  Nakakapagod pero masaya ang araw na ito :)

Wednesday 18 December 2013

Excited na ako . Kaso sayang

DISYEMBRE 18,2013
    Sa araw na ito ay masyado akong nagmamadali para bukas.Maaga akong umuwi ngayon dahil nga wala naman akong gagawin.Nakatulog ako kaya hindi ako nakabalik sa school para manood ng Christmas Program  sayang naman.
 Tumambay na lang ako  kinagabihan at nagkwentuhan kami ng aking mga kaibigan tungkol sa aming mga crush.

Tuesday 17 December 2013

Ang saya saya ko.

DISYEMBRE 17,2013
  Sa araw na ito ay umuwi ako ng maaga dahil wala naman akong gagawin sa school.Nung bandang alas'singko na ay nagyaya ang aking mama na pumunta sa River Park kaya nagbihis na agad ako.Pagdating namin doon ay nandoon na si Ate Erin naghihintay samin.Bibili na rin kasi kaming dalawa ng mga papremyo para sa nalalapit naming Christmas party.Naunang umuwi si Ate Erin dahil gabi na rin kasi at kami naman ay mamimili pa para sa gagamitin ko sa aming Christmas party.May nakilala pa nga akong lalaki eh gwapo sya pangalan nya ay Treck anak siya ng may-ari ng binilhan ko ng damit.

Monday 16 December 2013

Nagmamadali sila.

DISYEMBRE 16,2013
  Sa araw na ito ay wala ako sa klase dahil kasama ako sa mga piling estudyante na bibisita sa Antipolo City Jail.Nakakatuwa sila dahil kahit nakakulong sila ay mga talentado sila.Nabigyan din kami ng pagkakataon na makapanayam ang ilan sa mga bakasyonista doon.Bakasyonista  ang tawag sa kanila ngayon,ang akin nakapanayam ay si Kuya Joseph tungkol sa drugs ang kanyang naging kaso.
  Pag-uwi ko naman sa aming bahay ay wala sina mama at papa kaya ang ginawa ko na lang ay magtext.Maya maya ay dumating na sila mama at papa at meron silang mga dala,naggrocerry pala sila.Namili sila ng mga panghanda sa pasko at bagong taon nagmamadali sila 

Sunday 15 December 2013

Simba Simba din :)

DISYEMBRE 15,2013
  Sa araw na ito ay nagkaroon kami ng girls bonding ng mga pinsan kong babae.Una nagsimba muna kakmi sa Lumang Bayan,nagpapapakabanal daw sabi ng pinsan ko HAHAHAHAHA .Pagkatapos nmin magsimba ay nagpunta kami sa Cherry Foodarama para bumili ng makakain habang pauwi.Doon ako kumain sa bahay ng aking tita.

Saturday 14 December 2013

Kaboring

Disyembre 14,2013
  Sa araw na ito ay wala akong ibang ginawa kundi kumain,matulog at gumala.Kumain ako ng prutas katulad na lamang ng dalandan at suha, marami kaming prutas sa bahay dahil naglilihi ang aking mama.Natulog ako buong maghapon dahil nasanay na ako na matulog tuwing tanghali.At gumala,pagkagising 
ko ay gumala kami ng aking mga kaibigan sa Pagrai at pagkabalik namin ay kumpleto na ang buong barkada na ankatambay sa outpost.Tumambay kami nagpiktyuran pa kami pero nakakaboring talaga 

Friday 13 December 2013

Yehey pasok ako !

DISYEMBRE 13,2013
  Sa araw na ito ay nagkaroon kami ng pagsulat kung paano namin makakamit ang aming mga pangarap.Kami na daw ang bahala kung ano ang aming pipiliin kung sanaysay ba o pasalaysay.At nung uwian na ay nakatanggap ako ng text galing kay ate Juliet na wala daw muna kami ngayong bible study.Nagulat pa ako nang sabihin ni ate Erin na "Janeh pasok kana." Yan ang eksaktong sinabi niya hindi ko alam ang ibig niyang sabihin.Yun pala ay kasama na ako sa jail visit.
  Nagpunta kami sa bahay nila Jahaziel para doon magpractice ng aming skit.Hapon na kami nakauwi dahil nanuod pa kami ng movie  na Pee Mak ni Mario Maurer grabe akala ko nung una nakakatakot yun pala nakakatawa lalo na yung apat na kaibigan don ni Mario.

Thursday 12 December 2013

Nakakalungkot naman.

DISYEMBRE 12,2013
  Sa araw na ito ay nag-ulat ang mga pangkat ng kanilang takdang aralin.Sa kanilang pag-uulat ipinapakita ang pagpapahalaga sa trabaho. At nalaman ko din na hindi ako makakasama sa jail visit  na gaganapin sa lunes.Ang mga napili ay gagagwa ng skit.
 Nung uwian na ay nanuod ako ng pag-eensayo nila sa kanilang skit.Tumambay ulit ako sa bahay nila Shenna kasama na namin ngayon si jonnaline tawa lang kami ng tawa.

Wednesday 11 December 2013

Ano ba Yan umulan pa ??

DISYEMBRE 11,2013
   Sa araw na ito ay hindi natuloy ang aming pagpunta sa base ng YWAM umulan kasi eh.Sayang excited pa naman ako, ang ganda kasi dun sa base nila eh nakakatuwa pa ang mga aso doon .Dahil nga hindi kami  natuloy ay tumambay muna ako sa bahay nila Shenna.Nagkwentuhan lang kami doon ng mga nakakatawang pangyayari.
  Wala naman masyadong nangyari ngayong araw.

Tuesday 10 December 2013

Putol ang klase ??

DISYEMBRE 10,2013
     Sa araw na ito ang aming klase ay pinutol dahil sa pagkakaalam ko ay magkakaroon ng programa.Para yata ito sa aming punong guro na si G.Beltran.Hindi natuloy ang aming talakayan sa akdang Kinagisnang Balon.Dahil hindi sigurado ang aming guro kung uwian na nga ba?Pinag-usapan namin ang tungkol sa aming blog.
   Umuwi ako agad para maasikaso ang mga dapat kong asikasuhin.

Monday 9 December 2013

Pangalawa lang ?

DISYEMBRE 9,2013
    Sa araw na ito ay ang oras ng elimination para sa jingle.Nagkaroon pa nga ng aksidente dahil napalakas ang pagtulak ni Manuel kay Olivar isa rin sila sa mga kalahok.Hinatid naman siya kaagad sa clinic ng aming paaralan.At pagkatapos ng pangyayari ay ipinagpatuloy na ang naudlot na kompetisyon.Ang nanalo ay galing sa pangkat ng saphire at kami namang mga diamond ay ikalawa lamang.

Sunday 8 December 2013

Proyekto

DISYEMBRE 8,2013
  Sa araw na ito ay hindi ako nakapagsimba dahil gumawa ako ng aking proyekto sa values.Dahil hindi ko nagawa ang iba sa mga kasunduan.Natuon lamang ang aking oras sa paggawa ng aking proyekto.At nung hapon na ay namalengke kami at nagpunta rin ako sa bahay ni shenna para hingiin ang kopya ng kanta.

Saturday 7 December 2013

Sakit sa katawan

DISYEMBRE 7,2013
     Sa araw na ito ay nagpunta ako sa bahay nila Shenna upang magpraktis ng aming jingle.Pagdating ko doon ako na lang pala ang kulang.Nagsimula kami agad ng praktis at inabot kami ng hapon.Mga pasado alas-singko na nga ako nakauwi dahil sa praktis.Tinulungan kami ni ate Vangie sa aming pagpapraktis.
  Pagkauwi ko ay natulog ako agad at ginising na lamang ako ni mama para kumain.

Friday 6 December 2013

Pagod much

DISYEMBRE 6,2013
   Sa araw na ito tinalakay pa rin namin ang akdang banyaga.At naiinis ako sa isa kong kamag-aral masyadong nag-iinarte sa pagsayaw , wala naman sa lugar ang pag-iinarte nya.At nagkaroon kami ng Bible study kasama ang iba ko pang kamag-aral.
   Pagkatapos ay hindi kami nakapagPractice dahil pareho kmi ni Shenna na canteener ngayong araw.Masaya ang naging Canteener namin dahil marami kami.Pagkatapos ng aming canteener  ay umuwi ako agad at sa sobrang pagod ko ay nakatulog ako na hindi man lang nakapagpalit ng aking uniporme.

Thursday 5 December 2013

Sinumpong nanaman ako !

DISYEMBRE 5,2013
  Sa araw na ito ay medyo mainit kaya sinumpong nanaman ako nahilo at nanlabo nanaman ang paningin ko.Kaya hindi ako masyadong nakapakinig sa klase.Nagtanghal ang iba't ibang grupo ng kanilang mga presentasyon.
  Nung uwian na ay nagpunta na kami sa bahay ni shenna upang magpractice ng aming jingle.Marami rami na ang mga kasama namin na nandoon..

Sinumpong nanaman ako

DISYEMBRE 5,2013
  Sa araw na ito ay medyo mainit kaya sinumpong nanaman ako nahilo at nanlabo nanaman ang paningin ko.Kaya hindi ako masyadong nakapakinig sa klase.Nagtanghal ang iba't ibang grupo ng kanilang mga presentasyon.
  Nung uwian na ay nagpunta na kami sa bahay ni shenna upang magpractice ng aming jingle.Marami rami na ang mga kasama namin na nandoon..

Wednesday 4 December 2013

Kaarawan niya !

DISYEMBRE 4,2013
  Sa araw na ito ay ganon pa rin ang takbo ng klase,nung uwian ay nagpunta ako sa Math Garden upang magturo ng pagbasa sa ibang pangkat sa ikatlong taon.Hindi dumating ang aking tinuturuan kung kayat naupo na lamang ako doon.Pagkatapos ay nagpunta ako sa bahay ni Shenna upang magpractice ulit ng aming ginagawang jingle.
   Pagkauwi ko ay natulog ako agad dahil nga sa sobrang pagod.At pagkagising ko ay nagpunta ako sa bahay ng aking matalik na kaibigan dahil kaarawan nia.Kumain kami doon at nagkantahan masaya talaga dahil nandun ang iba pa naming mga kababata.

Tuesday 3 December 2013

Ang Sakit :3

DISYEMBRE 3,2013
  Sa araw na ito ay isinali ako ng aking mga kamag-aral sa kanilang ginagawang jingle:ang tema ng jingle ay END-VAW.Hapon nako nakauwi dahil nga sa practice at napakasakit pa ng aking katawan,dahil sayaw kami ng sayaw.Tawa pa kami ng tawa dahil sa mga kaklase naming bakla.
  At pagakauwi ko ay nakatulog ako agad gabi na ng magising ako,pagkagising ko ay ginawa ko na ang aking mga takdang aralin.

Monday 2 December 2013

Ang aga mo naman ?

DISYEMBRE 2,2013
  Sa araw na ito ay maaga akong pumasok dahil ayaw ko na ulit mahuli sa aming flag ceremony.Nagkaroon kami ng mahabang pagsusulit sa asignaturang Chemistry.marami sa aking mga kamag-aral ang nahuli sa klase at hindi nakakuha ng pagsusulit.
  Wala namang masyadong nangyari ngayong araw,maaga akong umuwi dahil wala namang gagawin sa paaralan.Lubos na nagtaka ang aking mama kung bakit napaaga ang aking pag uwi,kadalasan kasi ay alas-kuatrona ng hapon kung ako'y umuwi.
  Hindi ako tumambay dahil ginawa ko pa ang aking mga takdang aralin.

Sunday 1 December 2013

Ang Saya :)

DISYEMBRE 1,2013
    Sa araw na ito ay nagpunta kami ng aking pamilya sa cogeo upang mamili ng kahit ano.Binilhan ako ng aking papa ng bagong damit,at sa aking kapatid naman ay bagong tsinelas dahil lagi na lang siyang nasisiraan ng tsinelas.At binigyan ako ng papa ko ng hikaw,para sa akin ay maganda talaga ang hikaw dahil dalawang hugis puso na magkadikit.

Friday 29 November 2013

Nasan si Mam ?

NOBYEMBRE 29,2013
  Sa araw na ito ay wala si Gng.Mixto kaya ang kanyang asawang si G.Mixto ang aming guro.Nagkaroon kami ng pagsulat tungkol sa mga bahaging aming nagustuhan sa akda at pati na rin ang bisang pangkaisipan at bisang pandamdamin ay aming inilagay sa makulay na papel.

Thursday 28 November 2013

May ganon palang uri ng dula ?

NOBYEMBRE 28,2013
   Sa araw na ito aming tinalakay kung anong uri ng dula ang Sinag sa karimlan.Ang dula ay isang uri ng Dulang Pansuliranin,dahil ito ay tumatalakay sa mga kontrobersyal na isyu.At nagbigay ang aming guro ng ilang mga katanungan at dahil duon ay lubos naming naunaqaan ang akda.

Wednesday 27 November 2013

Anak Patawad !

NOBYEMBRE 27,2013
   Sa araw na ito nagbalik aral kami sa akda,at tinalakay din namin ang mga isyung panlipunan ang nakapaloob sa akda.Nagkaroon kami ng pangkatang gawain halos lahat ng grupo ay iniulat ang paghingi ng tawad ni Mang Luis kay Tony.

Tuesday 26 November 2013

Tauhan ??

NOBYEMBRE 26,2013
   Sa araw na ito ang bawat pangkat ay nag-ulat tungkol sa mga tauhan ng akda.At nagkaroon ulit kami ng pangkatan gamit pa rin ang mga tauhang naiatas sa bawat pangkat.At nagkaroon kami ng talakayan tungkol sa antas ng wika .Ito ay mahalaga dahil malalaman mo kung ano ang uri ng pananalita na iyong gagamitin sa mga taong iyong makakasalamuha.

Monday 25 November 2013

Akda ulit ?

NOBYEMBRE 25,2013
   Sa araw na ito aming inalam kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang bilanggo.At kung ano ang aming naiisip pag naririnig namin ang salitang sinag sa karimlan.Iniulat ng pangkat isa ang akdang Sinag sa Karimlan,kanilang ipinaliwanag mga pangyayari ngunit halatang hindi sila handa.At nagkaroon kami ng takdang aralin at ito ay kada pangkat.

Friday 22 November 2013

Mabait at mapagmahal na tatay !

NOBYEMBRE 22,2013
    Sa araw na ito aming ipinasa ang mga gawa naming slogan,at bumunot ang aming guro ng ilan sa mga slogan at ipinaliwanag ito ng mga nagmamay-ari.At amin ding tinalakay kung bakit ayaw ni Tata Selo na sabihin ni Saling ang tunay na nangyari sa kanya.At nagkaroon kami ng pagsusulit.

Thursday 21 November 2013

Kriminal o biktima ?? ang gulo !

NOBYEMBRE 21,2013
   Sa araw na ito aming tinalakay ang teoryang nakapaloob sa akdang Tata Selo ,ang teorya ng akda ay teoryang dekonstruksyon.Binigyan kami ng takdang aralin , ito ay ang gumawa ng slogan na nababatay sa tema ng akda.

Wednesday 20 November 2013

Grabe naman !

NOBYEMBRE 20,2013
   Sa araw na ito matapos naming magbalik aral sa akdang tata selo aming inalam kung ano nga ba ang kahulugan ng huling linyang binanggit ni tata selo sa akda.Nagkaroon kami ng pangkatang gawain, at pagkatapos ay aming initindi kung ano nga ba ang tunay na dahilan ng pagpatay ni tata selo kay Kabesong Tano.Napag-alaman namin na kaya pala ito pinatay ay dahil ginahasa niya ang kaisa-isnag anak ni Tata Selo na si Saling.Kaawa-awa namang talaga,pati sa huling bahagi ng akda ay ganon din ang ginawa sa kanya nng alkalde.

Tuesday 19 November 2013

Kawawa naman :(

NOBYEMBRE 19,2013
  Sa araw na ito aking nalaman ang ibat-ibang katawagan sa lolo at lola merong sa tagalog,sa bisaya,sa Bicolano at marami pang iba.Ang pangkat apat ang nag-ulat ng bagong akdang aming tinalakay,ito ay ang Tata Selo.






Monday 18 November 2013

Karapatan?Napakaswerte :)

NOBYEMBRE 18,2013
  Sa araw na ito nag-ulat ang bawat pangkat at tinalakay namin ang mga karapatang pambata.Tinalakay namin kung ano ang mga karapatang naipagkait sa batang si Adong.Halos lahat ng karapatan ay ipinagkait kay Adong.Nagkaroon kami ng pagsulat tungkol sa mga karapatng lubos o sobra sobra naming tinatamasa.

Friday 15 November 2013

Namatay nga ba O hindi ??

NOBYEMBRE 15,2013
   Sa araw na ito aming inintindi kung ano nga ba ang nangyari kay Adong sa hiling bahagi ng akda.Si Adong ay namatay talaga hindi hinimatay,base na rin sa mga pahiwatig.Tinalakay din namin ang teoryang nakapaloob sa akda.At nagkaroon kami ng pangkatang gawain at bilang takdang aralin kailangan namin ng kopya ng mga karapatang pambata.

Thursday 14 November 2013

Pangkatan na Maingay

NOBYEMBRE 14,2013

  Sa araa na ito aming tinalakay ang teoryang nakapaloob sa akda.Ang akdang mabangis na lungsod ay may teoryang Naturalismo.Nagkaroon din kami ng pangkatang gawain tungkol sa akda.Binigyan din kami ng takdang aralin ng aming guro , aalamin namin kung namatay nga ba o hindi si Adong.

Wednesday 13 November 2013

Sakit sa Bangs :3

NOBYEMBRE 13,2013

  Sa araw na ito nagkaroon kami ng pagsusulit patungkol sa mga malalalim na parirala sa akda.Inisa isa naming talakayin ang mga pangyayari sa akda gamit ang mga parirala.Napag-alaman din namin na mahalaga pala ang piso noon dahil malaki ang halaga nito noon.Binigyan din kami ng takdang aralin tungkol sa teoryang nakapaloob sa akda.

Tuesday 12 November 2013

hahaha Tawa much !

NOBYEMBRE 12,2013

  Sa araw na ito tiananong kami ng aming guro kung sinu-sino na ang nakapunta sa Maynila partikular na sa Quiapo.Pinatawag ang aming guro pero iniwanan niya kami ng gawain.Ang gawain ay tungkol sa mga lugar na makikita sa Maynila.At iniulat din ng aming kamag-aral ang akdang Mabangis na lungsod mula sa panulat ni Efren Abueg :


Monday 11 November 2013

HAba Naman !

NOBYEMBRE 11,2013

  Sa araw na ito aming iniwasto ang lathalaing aming ginawa nung nakaraang linggo.Naubos ang aming oras sa pagwawasto kaya ibinigay na lamng ng aming guro na takdang aralin ang pagbabasa ng akdang Mabangis na lungsod.
.

Thursday 7 November 2013

NOBYEMBRE 7,2013
 Sa araw na ito aming tinalakay ang suliranin ng mag-asawa sa akda na sila Celing at Kulas.Tinalakay din namin kung paano nga ba makakaiwas sa pagsusugal.Pinagawa kami ng aming guro ng isang lathalain na tumatalakay sa mga paraan kung paano makakaiwas sa pagsusugal.Nilagay namin ang aming gawa sa isang yellow paper.

Wednesday 6 November 2013

NOBYEMBRE 6,2013
  Sa araw naito nagkaroon kami ng maikling pagsusulit tungkol sa dulang sa Pula sa Puti.Amin ding tinalakay ang teoryang nakapaloob sa dula;ang teoryang nakapaloob sa dula ay teoryang eksistensyalismo.Nagkaroon din kami nga pangkatang gawain,ang aming grupo ay naatasang pumili ng mga kaisipan na matututunan sa dula.

Monday 4 November 2013

NOBYEMBRE 5,2013
  Sa araw na ito nagkaroon kami ng maikling pagsusulit tungkol sa mga matatalinhagang salita na nakapaloob sa dulang SA PULA SA PUTI.Pagkatapos ng aming maikling pagsusulit ay nagkaroon kami ng maikling pagbabalik aral tungkol sa mga tauhan ng nasabing dula.Nagkaroon din kami ng pangkatang gawain na tumatalakay sa pagkatao ng apat na tauhan ng dula.Nagbigay ng reaksyon ang bawat pangkat patungkol sa pag-uulat ng pangkat.
NOBYEMBRE 4,2013
  Sa araw na ito aming tinalakay ang dulang SA PULA SA PUTI na isinulat ni FRANCISCO RODRIGO.Ang aming pangkat ang naatasang mag ulat ng dula.Ako na ang nagpaliwanag sa aming pag-uulat dahil mukang hindi pa nabasa ng aking mga kagrupo.Binigyan kami ng apat na palaklpak ng aming guro.



OKTUBRE 25,2013
  Sa araw na ito aming sinagutan ang hindi natapos na gawain tungkol a paghahambing sa mga tauhan ng akdang BANAAG AT SIKAT at ang NOLI ME TANGERE.Amin ding inisa isa ang mga pagkakapareho ng dalawang nasabing akda.

Saturday 26 October 2013


OKTUBRE 24,2013
  Sa araw na ito aming sinimulan ang klase sa pag babalik aral.Amin ding inalam kung sino nga ba si Crisostomo Ibarra at Elias sa Noli Me Tangere.Tinanong din kami ni Gng.Mixto kung ano nga ba ang paghahambing.Ilan sa aking mga kamag aral ay nagbahagi sa klase kung ano ang kanilang kinahihiligang palabas at bakit.Nagkaroon din kami ng gawain amung paghahambingin sina Delfin,Felipe,Elias at Crisostomo Ibarra.Ngunit hindi ito natapos kaya amin itong ipinagpatuloy sa tahanan.

Wednesday 23 October 2013


OKTUBRE 23,2013
   Sa araw na ito aming pinatunayan na teoryang eksistensyalismo ang nakapaloob sa Banaag at sikat sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng paghubog ng tao sa kanyang pagkatao.At iniulat rin ng bawat pangkat ang gawaing naiatas sa kanila kahapon.Halos lahat ng pangkat ay maayos na naiulat ang kanilang mga ginawa.

Tuesday 22 October 2013


OKTUBRE 22,2013
    Sa araw na ito nag-ulat ang bawat pangkat tungkol sa ibinigay na gawain sa amin kahapon.Ang aming pangkat ay nakakuha ng tatlo't kalahating palakpak.Pagkatapos ng pag-uulat ng bawat pangkat aming tinalakay kung  anong teorya ang nakapaloob sa nobelang Banaag at Sikat.Ang nobela ay may teoryang eksistensyalismo.Nagkaroon din kami ng pangkatang gawain ngunit di namin ito natapos.

OKTUBRE 21,2013
 Sa araw na ito aming inaral ang buod ng nobelang Banaag at Sikat.Nagkaroon rin kami ng maikling pagsusulit tungkol sa luha na aming inilagay sa ika-apat na bahagi ng papel.Ang pangkat 1 ang nag ulat ng buod ng Banaag at Sikat.Kanilang ipinaliwang ang mga pangyayari sa akda.Pagkatapos mag ulat ng pangkat 1 binigyan kami ng pangkatang gawain ang aming pangkat ay naatasang bigyang kahulugan ang mga pahayag.Ginawa na lang takdang aralin ang aming pangkatan. 

Tuesday 15 October 2013


OKTUBRE 14,2013
   Sa araw na ito aming tinalakay ang tulang pinamagatan na luha mula sa panulat ni Rufino Alejandro.


BISANG PANGKAISIPAN-nabago ang aking pananaw tungkol sa hindi pagsunod sa payo ng aking mga magulang.Napagtanto ko na nais lamang ng mga magulang kung ano ang mkabubuti sa kanilang mga anak.Kailanman ay di nila ninais na masaktan at at maghirap ang kanilang mga anak.
BISANG PANDAMDAMIN-naramdaman ko habang binabasa at iniintindi ang tula ay awa,awa dahil hindi niya man lamang nakuhang maging tunay na masaya dahil sa pagsuway niya sa payo ng kanyang mga magulang bago ito mamaalam. 

OKTUBRE 18,2013
 Sa araw na ito nagkaroon kami ng gawain tungkol sa bisang pangkaisipan at bisang pandamdamin ng tulang LUHA.Amin ding tinalakay ang teoryang nakapaloob sa tula.Ang teorya ng tula ay: