Teorya

HUMANISMO-ito ang pananaw na ng uniberso ay nakasento sa tao sa h.alip na sa Diyos.Saligang batayan ng teoryang ito na ang tao ay mga  nilikhang rasyonal

TEORYANG EKSISTENSYALISMO:  Ang Teoryang ito ay nababatay sa Kilos, Gawi, Paninindigan, at Paniniwala ng mga tauhang nakapaloob sa Akda. Pinapakita rin dito ang Istilong ginamit ng manunulat o may akda pati na rin ang pagpapakita ng Malayang Kaisipan.

TEORYANG NATURALISMO
Ang teoryang Naturalismo ay nagtataglay ng mga pinasidhing katangian ng teoryang Realismo. Sa teoryang Naturalismo, itinuturing na mabangis na gubat ang buhay sa mga walang kalaban-labang mga tao. Mas detalyado ang paglalarawan ng mga kasuklam-suklam na pangyayari sa buhay ng tao. Tinitignan ang tao na parang hayop na pinag-eeksperementuhan sa isang laboratoryo. Natural sa teoryang ito ang pagkakahati ng lipunan: mayaman at mahirap, babae at lalaki, mabait at masama.

Teoryang Dekonstruksyon:Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo.

Teoryang Feminismo
v Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.




No comments:

Post a Comment