Sunday 19 January 2014

Simba simba din .

ENERO 19,2014
  Sa araw na ito ay nagsimba ako kasama ang mga pinsan ko.Tuwing linggo ay nagbobonding kaming magpipinsan.Pagkatapos naming magsomba ay nagpunta kami sa Sta.Lucia nagpasama aksi yung isa kong pinsan na bibili daw siya ng sandals para sa JS(siya na ang excited ).Grabe lang sobrang excited siya huh, samantalang ako wala pa nga eh.Enjoy din naman ang pagpunta namin doon dahil sumakay kami sa ibang rides sa WOF.

Saturday 18 January 2014

Sarap matulog :)

ENERO 18,2014
  Sa araw na ito ay nasa bahay lang ako walang balak na lumabas dahil nagpapaputi ako.HAHAHHAHA dejoke tinatamad lang talaga ako gumala.Natutuwa nga ako sa sarili ko eh kasi hindi na ako katulad ng dati na gala.Ngayon kapag walang pasok ay nasa bahay na lang ako.Kung hindi ako matutulog ay nagbabasa lang ako ng ebook.

Friday 17 January 2014

Sana ay manalo sila.

ENERO 17,2014
   Sa araw na ito ay wala pa rin sila Shenna dahil  sa MTAP.Piangpray namin na sana ay manalo sila.Nung uwian na ay maaga aking nakauwi dahil wala kaming bible study.Nung pag-uwi ko ay kumain lang ako at nagbasa na ng ebook.Wala naman akong magawa kasi sa bahay,kaya nung nagsawa na ako sa kakabasa ay nagpunta ako sa bahay ng aking lola.

Thursday 16 January 2014

Tawanan at aminan.

ENERO 16,2014
  Sa araw na ito ay magkakasabay kaming umuwi nila Kia.At habang naglalakad kami ay nagkukuwentuhan kami.Pagkatapos ay napunta ang aming usapan sa aming crush.At doon ko napag-alaman na crush ni Kia si ______.Noong una ay nagulat ako dahil crush niya rin pala,aist parehas kami ng crush kaya hindi ko na lang inamin sa kanila kung sino siya.
  At noong pag-uwi ko ay agad akong nakatulog kaya pagkagising ko saka pa lang ako nakakain.

Wednesday 15 January 2014

Araw na Wala Siya ?

ENERO 15,2014
 Sa araw na ito ay wala nanaman si Shenna kaya ang kasama ko nanaman ay si Kia at Mary Joy.Hindi lang talaga ako sanay na hindi kasama si Shenna kaya wala akong kadaldaldalan ngayong araw na ito.
 Nung uwian na ay sabay sabay kami nila Kia na umuwi.Tawa kami ng tawa ang lalakas kasi ng mga trip nila eh.

Tuesday 14 January 2014

Perfect ??

ENERO 14,2014
   Sa araw na ito ay amin pang tinalakay ang tulang Pamana,grabe lang dahil nakaka iyak talaga ang mensahe ng tula.
   Ngayon ko din nalaman na isa pala ako sa mga naka perfect sa exam namin sa values nakakatuwa nga dahil binigyan kami ni Mam Uy ng ballpen eh.At medyo nakakapanibago dahil hindi ko kasama si Shenna sa buong araw dahil meron silang review para sa MTAP.Pero ayos lang dahil may nakasama naman ako si Kia hanggang sa pag -uwi ay sabay kami. 

Monday 13 January 2014

Yes Nakapasa :)

ENERO 13,2014
  Sa araw na ito ay nalaman namin ang resulta ng aming ikatlong markahang pagsusulit.Hindi ako nakapasa sa Chemistry pero highest naman ako sa English.Nakakapagod din dahil halos lahat ng subject ay puro pagtaas ng kamay ang ginawa namin.
   Sinimulan din namin ngayong talakayin ang tulang Pmana,ito ay isang uri ng tulang pandamdamin.Nakakaiyak nga yung tula kasi nakakarelate kami sa damdamin na nakapaloob sa tula.

Sunday 12 January 2014

Di Nakapagsimba .

ENERO 12,2014
  Sa araw na ito ay nagplano kami ng mga pinsan ko na magsisimba kami sa hapon,pero di natuloy dahil hindi na pinayagan si Erika at may gagawin pa si Elena.Kaya naman nagpunta na lang ako sa bahay ng kaibigan ko    .Nagkantahan na lang kami,nakakatawa dahil todo pilit sila sakin na kumanta eh hindi naman maganda ang boses ko.Napakanta tuloy ako ng wala sa oras, hidi gumana sa kanila yung kasabihan ko na "Pasayawin niyo na ako wag lang pakantahin".Nakakahiya tuloy sa kanila dahil ang panget talaga ng boses ko.

Saturday 11 January 2014

Pabalik balik ??

 IKA-APAT NA MARKAHAN :)
ENERO 11,2014
   Sa araw na ito ay sumama ako kay mama sa pamamalengke.Nakakatuwa nga kasi nakita ko yung singkit na lalaki don sa bakery nila.Pauwi na kami nung makasalubong ko si Jhuday,bestfriend ko sya.Papunta sya ng palengke kaya nagpaalam ako kay mama na sasamahan siya.Nagulat pa ako nung kausapin ako nung lalaking singkit,ang sabi niya "Pabalik balik ka ??" . Nakakatawa siya masyado syang curious , sabi ko naman "naturalk sinamahan ko kaibigan ko " .Nung pauwi na kami ang lakas ng trip ng mga kuya don sa Car Wash .

Friday 10 January 2014

Sa wakas Tapos Na :)

ENERO 10,2014
   Sa araw na ito ay ang ikalawang araw ng aming pagsusulit.Dalawang major subject ang kasama sa mga nakuha naming pagsusulit.Pagkatapos ng aming pagsusulit ay nagcheck ako ng papel sa Math ng III-garnet.Matapos ko magcheck ay pupunta dapat kami sa conference nila Ate Riza,Jonnaline at Shenna,pero napagdesisyonan namin na sa SM Masinag na lang kami magpunta para mas malapit.Nakita namin doon ang iba naming mga kaklase. 

Thursday 9 January 2014

Natapos din

ENERO 9,2014
   Sa araw na ito ay pinilit kong makapasok kahit na may sakit ako,dahil exam namin ngayon.Mahirap yung ibang subject na nasagutan namin,nakakatuyo ng utak .Medyo natagalan ako sa pagbubuod ng Mabangis na Lungsod.Pagkatapos ng exam ay nagpunta kami sa bahay nila Ate Riza,ang saya namin don nakakatawa pa nga si Jonnaline eh nakatulog sa sofa.Tapos nung pag-uwi ay hinatid kami nila Ate Riza at Angel.At sa wakas natapos ko na rin yung mga kwento na ibubuod ko.
   

Wednesday 8 January 2014

Nilalagnat ako -_-

ENERO 8,2014
  Sa araw na ito ay nagkaroon kami ng review dahil ikatlong markahan na ukas.Nagpunta kami sa bahay nila Shenna at doon ko ginawa ang buod.Pero hindi ako natapos dahil tawa kami ng tawa,nagreview din kami sa ibang subject.Mga alas-6 na nang makauwi ako,kaya muntik pa akong mapagalitan.Pero pag-uwi ko ay matamlay ako,ayun pala ay nilalagnat na ako.Pinakain at pinainom ako ng gamot,pinagpahinga na rin ako.

Tuesday 7 January 2014

Masayang pag-uwi

ENERO 7,2014
    Sa araw na ito ay sumabay ako kina Kia sa pag-uwi,ang saya nila kasama sobrang tawa ang inabot ko.Pagkauwi ko a natulog lang ako buong maghapon.Pagkagising ko ay gabi na kaya kumain na ako at siyempre pagkatpos nun ay tumambay ako kasama ang mga kababata ko.

Monday 6 January 2014

Nasa bakasyon pa rin -_-

ENERO 6,2014
   Sa araw na ito ay may pasok na.Kaso lang yung utak ko nasa bakasyon pa rin.Pinagawa kami ni Gng.Mixto ng repleksyon tungkol sa mga nangyari samin nung nakaraang taon.At nung uwian na ay wala akong nagawa kundi umuwi ng maaga,kasabay kong umuwi si Angelica.Ginawa ko rin ang aking mga portfolio sa chemistry at TLE.

Sunday 5 January 2014

Tawa ng tawa.

ENERO 5,2013
   Sa araw na ito ay nagpunta ako kina Shenna dahil isinauli ko ang librong hiniram ko sa kanya.At dahil nga wala akong magawa sa bahay ay nagtagal ako doon.Nagkwentuhan kami at dahil baliw kami pareho tawa kami ng tawa .Pati mga pinsan ni Shenna tawa ng tawa saming dalawa.Pagkauwi ko ay tumambay lang ako sa outpost kasama ang mga kababata ko.At may magandang pangyayayri nakita ko na siya magaling na siya,hindi naman pala naging malubha ang lagay niya.Ang saya saya naming lahat.

Saturday 4 January 2014

Ouch ah.

ENERO 4,2014
     Sa araw na ito ay ipinagpatuloy ko ang paggawa ng aking mga projects.Pero meron akong nalaman na medyo hindi kaaya-aya.Nalaman ko na merong 1 month dare si Jhameson at Ate Jean.Isang buwan na magiging sila,ouch lang huh crush ko pa naman siya.Tapos na ako gumawa ng projects ko nang malamn ko yun.Nakapasinungaling pa tuloy ako sa kanya sabi ko gagawa muna ako ng project kahit tapos na,parang nakakawalang gana kasi eh.

Friday 3 January 2014

Gawa gawa din ng Projects.

ENERO 3,2013
   Sa araw na ito ay busy ako sa paggawa ko ng aking mga project.Sobrang nakakapagod ang paggawa ng mga project ko,pano ang dami kasi eh.Pero ayos lang mabait na bata ako eh.Pero siyempre habang gumagawa ako ng project nasa tabi ko yung cellphone ko kasi may mga katext ako eh.Pagkatapos kong gumawa ng mga projects ko nakatulog ako dahil na rin siguro sa sobrang pagod.

Thursday 2 January 2014

Nakita ko din siya.

ENERO 2,2013
     Sa araw na ito ay nagpunta ako sa bahay nila Shenna dahil ngayong araw ay gagawa kami ng project.Pagkatapos ay nagpunta kami sa bahay nila Alfred para kumopya ng Reflection.Katext ko non si Jhameson at nalaman ko na katapat lang pala ng bahay nila Alfred ang bahay nila Jhameson.Nung pauwi na kami ay nagulat ako sa itinext sakin ni Jhameson "Sweety hatid ko na kayo pataas ".Nung nakita ko siya sa personal grabe lang talaga nawala kadaldalan ko.May itinatago din pala akong katahimikan :D. Tapos nagpunta din kami kina Lee-ann.

Wednesday 1 January 2014

Happy New Year

ENERO 1,2014
  Sa pagsapit ng alas-12 ay nagsimula na ang putukan nakakatawa nga yung mga nagpapaputok eh.Pagkatapos ng putukan ay kumain na kami ng aking mga kpamilya,pagkatapos kong kumain ay nagpunta ako sa bahay ng isa sa mga kababata ko.Sa bahay nila Kuya Ton-ton nagkaroon ng palaro,sobrang saya ng  mga palaro.Pagkatapos ay nag-ipon ipon kami para sabihin ang mga message namin para sa isa't-isa.At dahil nga kulang kami ay nagvideo kami at doon sinabi namin kung ano ang message namin sa kanya.AT nagpuyat kaming lahat.