Tuesday 24 December 2013

Damang dama ko .

DISYEMBRE 24,2013
   Sa araw na ito ay sobrang saya.Nangarolling kami ng mga kaibigan ko,kami nila Shenna,Ate Jean at Ate Nalyn.Nagpunta din kami sa bahay nila Reycelle,binigyan kami ng mama niya ng pamasko.Pagkatapos ay pinaghati-hatian na namin ang aming kinita tig250 kaming apat.Napag-usapan namin na magsisimba kami uuwi lang muna kami para magbihis.Nagkita kita kami sa outpost sa amin.Nagsimba kami at may nanghingi pa nga ng cellphone number naming tatlo,pero di namin ibinigay.Bago mag alas-12 nakauwi na kami sa aming mga bahay at kumain ng Noche Buena kasama ang aming mga kapamilya.  

No comments:

Post a Comment